^

Metro

Fare hike hirit ng transport groups

-
Isusulong ng iba’t ibang grupo ng transportasyon na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep makaraang maramdaman ang muling pagtaas sa halaga ng gasolina na umabot na sa P1 sa dalawang magkasunod na pagtaas nito lamang Enero.

Sa isang panayam, sinabi ni Efren de Luna, Pangulo ng Alliance Concerned Transport Organization (ACTO) na alinsunod sa batas, may karapatan naman ang transport groups na humingi ng taas-pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board makaraang makaramdam ng epekto sa nagaganap na oil price hike.

Ayon kay de Luna, magsasagawa ng isang malakihang pulong ang samahan upang maisapinal kung magkanong halaga ang dapat na igiit para sa fare increase sa mga pampasaherong jeep.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Zenaida Maranan, Pangulo ng FEJODAP na magpupulong din ang kanilang hanay para pag-usapan ang epektong idudulot sa kanila ng EVAT.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Boy Vargas, Pangulo ng ALTODAP na makikipagkita rin ang kanyang grupo sa grupo ni Maranan para pag-usapan ang naturang isyu.

Magugunitang noong ikalawang linggo ng Enero tumaas na ng 50 sentimos ang halaga ng gasolina at diesel at nito lamang nakalipas na Sabado ay panibagong 50 sentimos ang idinagdag sa presyo nito. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ALLIANCE CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

ANGIE DELA CRUZ

AYON

BOY VARGAS

EFREN

ENERO

ISUSULONG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PANGULO

ZENAIDA MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with