^

2 sapol ng iisang bala

() - December 2, 2005 - 12:00am
Nasawi ang isang driver habang nasa kritikal na kalagayan naman ang isang batang babae matapos na kapwa sila tamaan ng iisang bala buhat sa isang hindi nakikilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Agad na nasawi matapos na tumagos ang bala sa kanyang ulo ang biktimang si Gabriel delos Santos, 40, may asawa ng 267 Balagtas St. Tondo, Maynila.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 11-anyos na si Nathalia Diaz, ng #555 Fernandez St., Tondo. Nabatid na tinamaan din ito ng parehong bala na tumagos sa ulo ni delos Santos.

Patuloy namang naghahanap ng saksi sa krimen ang pulisya upang makilala ang suspect na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa panulukan ng Bulacan at Juan Luna St. Tondo. Napag-alamang sakay ng kanyang scooter ang biktima nang biglang harangin ng suspect at agad na pinaputukan ng baril sa ulo.

Minalas naman na nahagip din ng naturang bala sa katawan ang batang si Diaz na naglalaro lamang sa naturang lugar.

Agad na isinugod ng mga residente ang dalawang biktima sa JRMMC matapos na makatakas ang suspect. Hindi na umabot ng buhay si delos Santos sa nabanggit na pagamutan.

Blangko naman ngayon ang mga awtoridad sa motibo ng suspect sa pamamaslang ngunit hinihinala na matagal na pinagplanuhan ang naturang krimen. Inaalam ngayon ng pulisya kung sino ang mga nakaaway ng biktima na maaaring nagsagawa sa pagpaslang dito. (Danilo Garcia)

BALAGTAS ST. TONDO BLANGKO BULACAN DANILO GARCIA FERNANDEZ ST. HOMICIDE SECTION JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER JUAN LUNA ST. TONDO MAYNILA NATHALIA DIAZ
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with