^

Metro

39 katao sugatan sa sunog

- Doris Franche-Borja -
Umaabot sa 39 na katao ang naiulat na nasugatan kabilang ang tatlong paslit habang mahigit sa 100 kabahayan ang nasunog nang umapoy ang 8,000 litro ng gasolina na dumaloy sa kanal na tumagas mula sa isang gasoline tank ng Pilipinas Shell kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kasabay nito, iniimbestigahan ng QC Arson Investigation kung may criminal liability si Daniel Imbol ang driver ng Pilipinas Shell tank na may plakang XFB-115.

Ilan sa mga biktima ay nakilalang sina Jahara Ramirez,7; Jessica Mae Tabar, 5; John Tabar, 7; Anne Aguilar, 16; Jaime Jolito, 35; Raymond Pinca, 26; Jovelyn Bongon, 23; Amador Aguilar, 47; Amihan Peña, 20; Esteban Tugaro, 33; Jerry Bongon, 28; Alex Asid, 32; Bernardo Serna, 52; Jessica Peña, 22; Masen Tapor, 20; Salvador Tapor, 25; Nerissa Pora; Roberto Daza at Jessamine Tapor. Ang mga ito ay pawang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Oscar Villegas ng QC Bureau of Fire, naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa Kasiyahan St. Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit ng nabanggit ding lungsod.

Lumilitaw sa report na nakaparada ang gasoline tank nang hindi namalayan ni Imbol na tumatagas ang gasolina sa tangke hanggang sa umagos ito sa kanal na patungo sa mga kabahayan sa nabanggit na subdivision.

Posible naman umanong may nagluluto hanggang sa madikit ang gasolina sa apoy at sunud-sunod na ang naging pagsabog at pag-apoy na naging sanhi ng pagkasugat ng mga residente at pagkawasak ng kanilang mga bahay.

Agad namang binisita ni QC Mayor Feliciano Belmonte ang lugar kung saan inatasan si Brgy. Capt. Chito Valmocina na alamin ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog upang mabigyan ng kaukulang tulong.

vuukle comment

ALEX ASID

AMADOR AGUILAR

AMIHAN PE

ANNE AGUILAR

ARSON INVESTIGATION

BERNARDO SERNA

BRGY

BUREAU OF FIRE

CHITO VALMOCINA

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with