^

Metro

Tsinoy binoga sa harap ng bahay

-
Nasawi ang isang Tsinoy matapos na barilin ng isa sa apat na hindi nakikilalang lalaki sa tapat ng bahay ng una, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Metropolitan Hospital ang biktimang nakilalang si Edward Co, 53, isang salesman at residente ng 1744 Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang apat na mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Sa inisyal na ulat ng WPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima. Nabatid na kararating pa lamang nito nang harangin ng mga suspect.

Ayon sa katulong ng biktima na si Josielyn Cumbate, bubuksan na niya ang gate ng bahay nang makarinig siya ng isang putok ng baril. Nang puntahan niya ang amo, nakita niya itong naliligo sa dugo.

Dalawang anggulo sa krimen ang ngayon ay tinitingnan ng pulisya. Una dito ang posibleng pagnanakaw dahil sa nawawala ang Nokia 6680 cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P33,000.

Posible rin umano na sinadyang paslangin si Co at mga propesyunal na hitman ang mga suspect.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DALAWANG

DANILO GARCIA

EDWARD CO

HOMICIDE SECTION

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

JOSIELYN CUMBATE

MAYNILA

METROPOLITAN HOSPITAL

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with