^

Metro

5 miyembro ng Akyat Bahay Gang tiklo

-
Arestado ang limang kabataan na miyembro ng Akyat Bahay Gang matapos na biktimahin ng mga ito ang isang hardware kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kinilala ni Supt. Moises Guevarra, hepe ng Malabon City Police ang mga naaresto na sina Pedro Jimener, 19; Jerson Pahayhay, 16; Michael Sulayao,16; Mark Rosales, 16 at Christopher Villamor, 16.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 nang madakip ang limang suspect sa kahabaan ng Estrella St. Brgy. Tanong, Malabon City.

Bago ito, nakatanggap ng tawag ang pulisya na pinasok at pinagnakawan ng mga suspect ang Consignation Hardware sa nasabing lugar na pag-aari ni Jennylyn Ching, 40.

Mabilis namang kumilos ang pulisya kung saan napansin nila ang limang naglalakad na kabataan kung kaya’t agad na sinita at nakita sa mga ito ang mga kasangkapan na nakulimbat sa nasabing establisimyento.

Dumating agad si Ching kung saan nagpakita ito ng ebidensiya na pag-aari niya ang lahat ng hardware tools na ninakaw ng limang suspect. (Rose Tamayo)

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

CHRISTOPHER VILLAMOR

CONSIGNATION HARDWARE

ESTRELLA ST. BRGY

JENNYLYN CHING

JERSON PAHAYHAY

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARK ROSALES

MICHAEL SULAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with