^

Metro

Killer ng television director kilala na

-
Kinilala na kahapon ng pulisya ang suspect na namaril at nakapatay sa director ng ABS-CBN na si Luigi Santiago na naganap sa isang bar sa Makati City noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang suspect na si Oliver Angeles at ang sinasakyan nitong Silver Ford Explorer na may plakang XTW-280 ay nakarehistro sa isang Charito Angeles, ng Hillsborough St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Inaalam pa ng pulisya kung kaanak ito ng nabanggit na suspect.

Ayon sa pulisya, isang saksi na ang suspect ay Caucasian ang itsura.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na itinatago ang suspect ng kanyang mga kabarkada kung saan binabantayan na rin ng mga pulis ang ginagawang mga hang-out ng mga ito.

Ayon naman sa ilang security personnel sa Glorietta Center, sinakal umano ni Santiago si Oliver habang nagaganap ang rambulan.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation laban sa nabanggit na suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA ALABANG VILLAGE

AYON

CHARITO ANGELES

GLORIETTA CENTER

HILLSBOROUGH ST.

KINILALA

LORDETH BONILLA

LUIGI SANTIAGO

MAKATI CITY

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with