^

Metro

Pamilya niratrat ng SWAT

-
Muntik nang mauwi sa trahedya ang gagawing excursion ng isang pamilya makaraang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyan ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Navotas Police makaraang mapagkamalang mga holdaper na nangholdap sa isang bakery, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 nang pasukin ng tatlong hindi nakikilalang mga kalalakihan na armado ng mga baril at patalim ang A.V Bakery na pag-aari ng mag-asawang Vicente, 57, at Adela Loterte, 56.

Matapos na makulimbat ng mga suspect ang mga alahas at pera ng mag-asawa na umaabot sa halagang P200,000 ay mabilis na nagsitakas ang mga ito gamit ang isang tricycle.

Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang mag-asawang Loterte para habulin ang mga suspect.

Dali-daling nagresponde ang mga tauhan ng SWAT ngunit imbes na mga suspect na lulan ng tricycle ang puntiryahin ay pinaulanan ng bala ng baril ang isang nakaparadang kulay abo na Tamaraw FX na noon ay nagpapakarga ng gasolina sa Shell Station sa C-3 Road sa Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Lulan dito ang isang pamilya na nakatakda sanang mag-excursion sa Laguna.

Bagamat walang nasaktan ay halos himatayin naman sa takot at nerbiyos ang mga sakay nito na sina Raul Buera, 36; Ana Mae Buera, 6; Nelia Bagtas, 27; Rafael Bagtas, 22; Angelo Flores at Noel Sanchez, 38.

Nakatakda nilang sampahan ng kaso ang mga kagawad ng SWAT na kinilalang sina PO2 Pedro Reyes, PO2 Rigor Llago at PO2 Carlos Yap dahil sa nasabing insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ADELA LOTERTE

ANA MAE BUERA

ANGELO FLORES

CALOOCAN CITY

CARLOS YAP

NAVOTAS POLICE

NELIA BAGTAS

NOEL SANCHEZ

PEDRO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with