^

Metro

Magnanakaw ng halik, naputulan ng dila

-
Ito’y babala sa mga lalaking "magnanakaw" ng halik.

Alam ba ninyong isang 21-anyos na lalaki ang naputulan ng dila makaraang kagatin ng kanyang kaibigang dalaga na ninakawan niya ng halik, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Pasig.

Ang biktima na kasalukuyang ginagamot sa Pasig City General Hospital ay nakilalang si Christian Cortez, ng Brgy. Manggahan ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nakapiit naman ngayon sa Pasig detention cell ang suspect na si Jezel Reyes, 29, ng 1650 Ocra St., Napico Manggahan ng nabanggit ring lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw habang nag-iinuman ang mga ito sa isang videoke bar kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan sa may kahabaan ng Kamatis St., Napico Brgy. Manggahan.

Nabatid na matapos ang inuman ay nakipagtalo ang suspect sa isa nilang kasama dahil sa binayaran nilang bill na agad namang kinontra ng biktima.

Bigla umanong hinatak ni Cortez ang dalaga at saka hinalikan sa labi, gayunman kinagat ng suspect ang dila ng biktima na naging dahilan ng pagkaputol nito.

Agad na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima habang ang suspect naman ay nahaharap ngayon sa kasong serious physical injuries. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

CHRISTIAN CORTEZ

EDWIN BALASA

JEZEL REYES

KAMATIS ST.

MANGGAHAN

NAPICO BRGY

NAPICO MANGGAHAN

OCRA ST.

PASIG

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with