^

Metro

Dennis Roldan nanapak at nanutok ng baril

-
Nahaharap ngayon sa kasong serious physical injuries ang aktor at dating Quezon City Congressman na si Dennis Roldan matapos nitong pagpapaluin ng baril at gulpihin ang isang driver, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Agad na nagtungo sa CPD-Baler Police Station ang biktimang nakilalang si Eduardo Vargas, 40, ng Blk. 8 Lot 15 La Forteza Subdivision, Camarin, Caloocan City upang ireklamo ang nasabing aktor.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Joselito Chantengco naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa underpass ng EDSA at Quezon Avenue.

Nabatid na patungong Delta si Vargas lulan ng isang Mazda van na may plakang PMR-247 nang aksidenteng mabangga nito ang kulay asul na Pajero ni Roldan na may plakang 70 LTO.

Dahil dito, bumaba ng kanilang mga sasakyan sina Vargas at Roldan kung saan humingi ng dispensa ang una sa aktor.

Subalit bigla na lamang umano siyang pinagsusuntok sa ibat-ibang bahagi ng katawan ni Roldan.

Hindi pa umano ito nakuntento at binunot pa ang dalang baril at saka ipinalo sa kanyang ulo.

Ayon sa pulisya hindi naman nagpakita sa kanila ang inireklamong aktor. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BALER POLICE STATION

CALOOCAN CITY

DENNIS ROLDAN

DORIS FRANCHE

EDUARDO VARGAS

JOSELITO CHANTENGCO

LA FORTEZA SUBDIVISION

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with