^

Metro

Messenger patay sa P4-M holdap

-
Isang 59-anyos na messenger ng remittance company ang nasawi makaraang holdapin at barilin ng dalawang armadong kalalakihan na nakatangay ng may P4 na milyong cash, kahapon ng tanghali sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawing biktima na si Pedro Cuartero, messenger ng JPSA Global Services na may tanggapan sa Room 919 Broadview Towers sa Tondo at naninirahan sa Baesa, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang panghoholdap dakong alas-11:30 kahapon ng tanghali sa kanto ng Bambang at Masangkay Sts. sa Sta. Cruz.

Nabatid na idedeposito sana ni Cuartero at kasama nitong messenger na si Cleopoldo Nada Jr., 26, ang may P8 milyong piso na nakalagay sa dalawang malaking bag sa Banco de Oro-Tayuman Branch.

Sakay sina Cuartero sa isang Jianshe scooter nang harangin ng mga suspects na lulan din sa isang motorsiklo.

Nabatid na kaagad na pinaputukan ng mga suspect si Cuartero na tinamaan ng bala sa hita at dibdib habang nakatakbo naman si Nada at nabitiwan ang hawak nitong bag na naglalaman ng P4 milyong cash na siyang tinangay ng mga suspects. Hindi naman natangay ng mga suspect ang isa pang bag dahil sa nakatali ito sa motorsiklo.

Kasalukuyan namang isinasailalim sa imbestigasyon ngayon ng pulisya si Nada para mailarawan ang mga suspect. Inaalam din kung may naganap na sabwatan o inside job sa naturang insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BROADVIEW TOWERS

CLEOPOLDO NADA JR.

CRUZ

CUARTERO

DANILO GARCIA

GLOBAL SERVICES

MASANGKAY STS

NABATID

ORO-TAYUMAN BRANCH

PEDRO CUARTERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with