^

Metro

Ex-US Navy natagpuang patay

-
Dahil sa masangsang na amoy, nadiskubre ang naaagnas na bangkay ng isang 51-anyos na retiradong U.S. Navy sa loob ng sariling bahay kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Ang naaagnas na bangkay ng biktimang si Athur Manalo, biyudo ng #32 Mariveles St., Barangay Highway Hills ng nabanggit na lungsod ay nadiskubre dakong alas-4 sa loob mismo ng banyo nito sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa nabanggit na lugar.

Nabatid kay Edwardo Dregas, katiwala ng biktima, bunsod umano ng pagkalanghap niya ng masangsang na amoy mula sa kwarto ng biktima ay pinuntahan niya ito subalit nang katukin siya ay walang sumagot kaya’t napilitang buksan ang pintuan sa pamamagitan ng duplicate key at dito ay tumambad sa kanyang paningin ang hubo’t-hubad at naaagnas na bangkay ng biktima.

Agad naman ipinagbigay-alam ng katiwala sa pulisya ang nadiskubre kung saan naniniwala ang mga awtoridad na matagal ng patay ang biktima dahil sa naaagnas at namamaho na ang bangkay nito.

Napag-alaman na noong Nobyembre 24 pa umano hindi lumalabas sa kanyang kuwarto ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ATHUR MANALO

BARANGAY HIGHWAY HILLS

DAHIL

DREGAS

EDWIN BALASA

MANDALUYONG CITY

MARIVELES ST.

NABATID

NAPAG

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with