^

Metro

Lasing na kelot inutas ng kapitbahay

-
Pinagbabaril ang isang 33-anyos na binata ng kanyang kapitbahay makaraang mairita sa ingay ng una habang nakikipag-inuman kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Alejandro Borral, binata, ng Blk. 4 Kadima, Brgy. Tonsuya, ng nasabing lungsod sanhi ng malubhang tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib.

Naglunsad naman ng malawakang manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspect na kinilalang si Eleasar Gregorio, 29, na nawalang parang bula matapos ang krimen.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Bobby Mario Egera, may hawak ng kaso na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang magising at naalimpungatan ang suspect dahil sa ingay ng biktima habang nakikipag-inuman sa kapatid na si Efren Borral, 41, at mga pinsang sina Danilo at Manuel Molino sa loob ng kanilang tahanan sa nabanggit na lugar.

Kinumpronta ni Gregorio ang nasawing biktima kung saan nagbitiw umano ito ng maaanghang na salita na nauwi sa pagtatalo at nagtapos sa makailang ulit na pagbaril ng suspect sa biktima.

Nalaman ito ng nakatatandang kapatid ng biktima na si Efren kung kaya’t ginantihan naman ng saksak si Gregorio na nagawa pa ring makatakas matapos ang pamamaril.

Tinangka namang humingi ng tulong ng pamilya Borral sa mga barangay tanod subalit hindi na rin naisalba ang biktima. (Ulat ni Jo Cagande)

vuukle comment

ALEJANDRO BORRAL

BOBBY MARIO EGERA

BORRAL

BRGY

EFREN BORRAL

ELEASAR GREGORIO

GREGORIO

JO CAGANDE

MALABON CITY

MANUEL MOLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with