Nakilala ang mga sugatang biktima na sina Leo Lim, Ernesto Aparicio, isang alyas Renato at si Peper Montal.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng CPD-Station 10 na dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na kapwa nakasakay sa isang itim na scooter ang naghagis ng granada sa tapat ng Dreams Café na matatagpuan sa Timog Avenue.
Bukod sa apat na bystander na sugatan sa pagsabog ng granada tatlo pang nakaparadang sasakyan ang naapektuhan at nawasak sa naturang pagsabog.
Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente para mabatid kung ano ang tunay na motibo sa pagpapasabog ng granada ng mga suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)