^

Metro

Yaya kumidnap sa alaga,arestado

-
Kalaboso ang kinahantungan ng isang 22-anyos na katulong nang maaresto ito ng pulisya matapos itakas ang mahigit na isang buwang sanggol na kanyang alaga sa Pasig City.

Ang suspect ay nakilalang si Jackie Lou Amante, tubong Hagonoy, Bulacan, at isang buwan pa lang na nanunungkulan bilang kasambahay sa bahay ng mag-asawang Sandigar.

Batay sa ulat, naganap ang pagdukot dakong ala-1 ng hapon sa bahay ng mag-asawang Sandigar sa Blk. 1, Lot 22 Tulip St., Garden Royale Villas, Brgy. Pinagbuhatan, ng lungsod na ito.

Nabatid na nasa bakasyon ang magulang ng sanggol nang itakas ng suspect ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nasakote ang suspect sa terminal ng Baliuag Transit sa Cubao, QC habang papasakay ng bus papauwi sa kanilang lalawigan.

Sinabi naman ng suspect na wala itong balak kidnapin ang kanyang alaga, gusto lang umano nitong ipasyal ang biktima sa kanilang lalawigan para makasagap ng sariwang hangin, inamin din nitong nagkamali siya ng hindi ipaalam ang bata sa kanyang mga magulang na kasalukuyang nagbabakasyon ng mga araw na iyon.

Nakapiit ngayon sa Pasig detention cell ang suspect habang inihahanda ang kasong kidnapping laban dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BALIUAG TRANSIT

BATAY

BRGY

BULACAN

EDWIN BALASA

GARDEN ROYALE VILLAS

JACKIE LOU AMANTE

PASIG CITY

SANDIGAR

TULIP ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with