^

Metro

Hapones hinoldap ng 3 armado: P1.5M natangay

-
Isang Hapones ang hinoldap ng tatlong di-pa nakikilalang lalaki kung saan natangay dito ang pera at alahas na umaabot sa P1.5 milyon, kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Ang biktima ay nakilalang si Masami Nakamura, 42, ng Blk. 15 Lot 18 Unit 6 Sto. Niño St., Villa España Subd., Araneta Ave., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ayon sa pagsisiyasat ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali habang nagbababa ng gamit ang biktima.

Kasusundo lamang ng biktima sa kanyang asawang si Violeta sa NAIA nang biglang lumapit ang tatlong di-nakikilalang suspect at tutukan ang biktima.

Nakuha sa biktima ang P30,000, US$1,000 at Y103, wrist watch na nagkakahalaga ng Y2,151 at mga alahas.

Matapos na makulimbat ang personal na gamit ng mag-asawa, tinangay din ng mga suspect ang Ford Expedition ng biktima subalit inabandona rin sa Home Centrum Subd., Mapulang Lupa, Valenzuela city.

Malaki ang paniwala ng pulisya na sa NAIA pa lamang ay minamatyagan na ng mga suspect ang mga biktima hanggang sa makarating sa bahay. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARANETA AVE

BIKTIMA

DORIS FRANCHE

FORD EXPEDITION

HOME CENTRUM SUBD

ISANG HAPONES

MAPULANG LUPA

MASAMI NAKAMURA

QUEZON CITY

VILLA ESPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with