2 estudyante sugatan sa 'frat war'

Dalawang high school student ang nasa kritikal na kondisyon matapos sugurin ng saksak ng isang grupo ng mga kabataang lalaki matapos na mapagkamalang kabilang sa nakalaban nilang fraternity na naganap sa Marikina City kahapon ng tanghali.

Nakilala ang mga biktima na sina Aaron de Claro, 17 at Jayvee Lumantad, 17, pawang mag-aaral sa Marikina High School.

Agad namang nadakip ng pulisya sina James Bello, out of school youth at kasama nitong si Fernando Garcia na itinuturong sumaksak sa mga biktima.

Ilan pang kasamahan ng mga ito ang pinaghahanap.

Naganap ang ‘frat war’ kahapon ng tanghali sa harap mismo ng kanilang paaralan habang naghihintay ang mga biktima ng masasakyan pauwi.

Biglang nagkaroon ng iringan ang dalawang grupo ng fraternity at napagkamalan ng grupo ng mga suspect na kabilang ang dalawang biktima sa kalaban nilang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments