^

Metro

Dalaga sinapian, namatay

-
Isang nakakahilakbot na kababalaghan ang bumabalot ngayon sa ilang mga residente sa Caloocan City makaraang sapian ng masamang espiritu ang isang 20-anyos na dalaga at masawi ito.

Ang biktimang si Jonafe Soriano Orias, empleyada ng isang restaurant sa Malate at residente ng #65 Baltazar Bukid, 10th Avenue, Caloocan City ay nasawi matapos na umano’y di makayanan ang hirap na dinanas nang sapian ito ng masamang espiritu.

Sa panayam ng PSN sa ina ng biktmang si Gng. Maria Ofelia, 43, sa kanilang tahanan sa nabanggit na lugar, sinabi nito na bago pa nangyari ang insidente ay masaya pang umuwi sa kanilang tahanan ang kanyang anak mula sa trabaho nito noong nakaraang linggo.

Kinagabihan, habang nagpapahinga ang kanyang anak ay bigla na lamang itong nagsisigaw na humihingi ng tulong at nang kanyang puntahan ay nakita niyang bumubula umano ang bibig ng biktima at nagsusuka.

Dahil sa nakitang sitwasyon ng anak ay agad na humingi ng tulong si Ofelia sa mga kasambahay. Anya, bigla umanong nag-iba ang anyo ng biktima kung saan naging boses lalaki ito at nagsalita ng mga katagang hindi nila maintindihan.

Bukod pa rito, umangat pa ng dalawang beses na halos may dalawang dangkal ang biktima mula sa kinahihigaan nito. Umiiyak na sinabi pa ni Ofelia sa PSN na kahit pa man umano bumalik sa normal ang anyo ng dalaga ay hindi na nito naibuka pa ang kanyang mga mata at maikilos ang katawan.

Dagdag pa ni Gng. Ofelia na sinabi umano ng sumuring albularyo sa dalaga na sinapian ito ng masamang espiritu at di-nakayanan ang lakas nito. Dahil sa pagnanais na maisalba ang buhay ng anak ay dinala ito sa MCU Hospital kung saan nagtagal dito ng limang araw ang dalaga na isang comatose patient. Sinabi pa ni Ofelia sa panayam na maging ang attending physician ng biktima ay walang ibang diagnose o nakitang dahilan kundi sinabi lamang umano sa kanila na nasa comatose stage ito.

Binawian ng buhay ang dalaga sa nasabing pagamutan noong Sabado ng alas-4:30 ng hapon. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANYA

BALTAZAR BUKID

BINAWIAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

GNG

JONAFE SORIANO ORIAS

MARIA OFELIA

OFELIA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with