^

Metro

Anak ni Dolphy timbog sa shabu

-
Dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police ang aktor na si Rolly Quizon, anak ng Comedy King na si Dolphy kasama ang dalawang iba pa makaraang maaktuhang sumisinghot ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Si Rolly o Raul Dominguez Quizon sa tunay na buhay, 45, na residente ng 99 A. Towerville Town Homes , Project 2 Quezon City, kasama sina Bernie Nabong, 50, ng Project 8, QC at Jun Lagman, 25, ng Bago Bantay, QC ay kasalukuyang nakapiit sa Central Police Headquarters sa Camp Karingal makaraang madakip.

Ayon sa pulisya, ang tatlo ay naaresto sa isinagawang raid sa bahay ni Lagman sa No. 3 Abra St., Quezon City. Naaktuhan pa ng pulisya ang mga suspect sa aktong sumisinghot ng shabu.

Nabatid na bago isinagawa ang raid sa nasabing bahay isang babae ang humingi ng tulong sa pulisya tungkol sa umano’y paggamit ng ilang kalalakihan sa kanilang bahay sa pagpa-pot session at kasama rito ang anak ni Dolphy kaya agad na isinagawa ang operasyon at doon nga naaktuhan ang tatlo.

Tumakas naman ang isang Ado na sinasabing siyang nagsu-supply ng shabu sa mga nadakip.

Itinanggi naman ni Quizon na kasama siya sa humihitit ng shabu kasabay nang pagsasabing may binisita lamang siya sa naturang bahay.

Magugunitang si Rolly ay nakilala sa TV show na John n Marsha.(Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABRA ST.

BAGO BANTAY

BERNIE NABONG

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE HEADQUARTERS

COMEDY KING

DOLPHY

JUN LAGMAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with