^

Metro

Love triangle sinisilip sa pagpaslang sa trader

-
Love triangle ang tinitingnang anggulo ng mga tauhan ng CPD-Criminal Investigation Unit makaraang barilin ng dalawang ulit at pagsasaksakin ng limang beses sa mukha ang isang trader na may-ari ng isang internet cafe, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Halos hindi makilala ang mukha ng biktimang si Johnnel Mendiola, 30, binata bunga ng mga tinamong saksak at tama ng bala ng baril sa katawan.

Agad namang nadakip ang isa sa suspect na nakilalang si Mariano Domingo, 32, ng Pier 2, North Harbor, Manila na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng CPD headquarters, samantalang ang kasamahan niyang si Gregorio Lazaro, 40, ng Barrio Pandi, Bulacan ay agaw-buhay ngayon sa East Avenue Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa noo at pisngi makaraang manlaban sa mga tumutugis sa kanilang awtoridad.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa sa kanto ng V. Luna Road at East Ave. ng nabanggit na lungsod kung saan nahabol ng mga pulis ang suspect.

Nabatid na sakay ng KIA Pregio Van inihatid lamang umano ng biktima ang kasintahan nito sa Alvero St., Loyola Heights, Quezon City.

Nakalabas na ng bahay ng kanyang kasintahan ang biktima nang harangin ng mga suspect at saka isinakay sa sasakyan nito.

Sa loob ng sasakyan sinimulang saksakin sa mukha at barilin ng mga suspect ang biktima habang isa sa mga salarin ang nagpapatakbo ng van.

Napansin naman ng mga nagrorondang pulis ang komosyon sa loob ng van at hinabol ang mga suspect. Natunugan naman ng mga suspect ang mga pulis kaya agad nila itong pinaputukan.

Tumigil lamang ang van ng tamaan ang dalawang suspect, gayunman namatay noon din ang biktima.

Masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALVERO ST.

BARRIO PANDI

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

EAST AVE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GREGORIO LAZARO

JOHNNEL MENDIOLA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with