^

Metro

Sanggol binugbog ng adik na ina

-
Isang 26-anyos na dalagang ina na bangag sa droga at alak ang dinakip matapos nitong gulpihin ang sanggol na anak dahil sa walang-tigil na pag-iyak ng huli kahapon ng tanghali sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Sheila Amora ng Calatagan St., Brgy. Palanan, Makati.

Samantala, ang biktima na nakilalang si Elena Grace, 1-taon at dalawang buwang gulang, ay nagtamo ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Mylene Juan ng Women’s and Children’s Desk Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-12 kahapon ng tanghali sa kahabaan ng Calatagan St.

Nabatid na nasa impluwensya ng droga ang suspek at nakihalubilo ito sa isang grupo na nag-iinuman ng alak habang karga naman ang kanyang anak.

Dahil sa bangag ay nakulitan at naasar ito sa umiiyak na biktima kaya walang awa itong ginulpi. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

CALATAGAN ST.

DESK UNIT

ELENA GRACE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MYLENE JUAN

SHEILA AMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with