^

Metro

Pagtakbo ni Alma hindi kayang harangin ni Joey

-
Bagamat hindi umaamin sa plano niyang pagtakbo bilang alkalde sa lungsod ng Parañaque ang aktres na si Alma Moreno, napag-alaman na isang grupo na umano ang inoorganisa para suportahan ang kandidatura nito.

Ito ang maugong sa buong lungsod, kasabay nang pagsasabing layunin din nito na maipakitang hindi kayang pigilan ng kasalukuyang Mayor na si Joey Marquez ang pagtakbo ni Alma.

Ang naturang grupo, ayon pa sa impormante ay tinaguriang "Alma Moreno Para sa Mahihirap na Mamamayan" ay sinasabing nakarehistro na sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ito umano ay inorganisa ng aktres bago pa man ang break-up nito sa kanyang asawa.

Layunin ng grupo na maipagpatuloy ni Moreno ang mga nasimulan niyang proyekto noong nagsasama pa sila ni Marquez, kabilang dito ang Libreng Libing Foundation at ang medical-dental mission.

Binanggit pa ng source na nakuha ni Moreno ang suporta ng maraming community leaders na nag-uudyok sa kanya na tumakbo bilang alkalde.

Sa isinagawa namang survey, lumalabas na nangunguna si Moreno sa iba pang naghahangad sa pagka-alkalde kabilang dito si ex-Mayor Pablo Olivarez, incumbent Vice-Mayor Florencio Bernabe Jr. at incumbent councilor/comedian na si Anjo Yllana.

Nasa likod din umano ni Moreno ang "Samahan ng mga Kababaihan sa Parañaque".

Lumalabas na lubhang naapi si Moreno sa nangyari sa kanila ng kanyang asawa at ng aktres/TV host na si Kris Aquino kung kaya marami ang nakikisimpatiya dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALMA MORENO

ALMA MORENO PARA

ANJO YLLANA

JOEY MARQUEZ

KRIS AQUINO

LIBRENG LIBING FOUNDATION

LORDETH BONILLA

MAYOR PABLO OLIVAREZ

MORENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with