^

Metro

Oliver Lozano dinakip sa panunuhol sa pulis

-
Dinakip ng mga tauhan ng Metro Manila Drug Enforcement Group ang kilalang abogado na si Oliver Lozano sa aktong sinusuhulan ng halagang P15,000 ang isang pulis kapalit ng pagpabor nito para sa kanyang kliyente.

Si Lozano, 51, ng Everlasting St. Roxas District, Quezon City ay dinakip mismo sa loob ng Camp Crame sa aktong iniaabot kay PO1 Anjo Villanueva ang nabanggit na halaga na umano’y suhol para sa isang pabor sa kliyente niyang si Jay dela Cuesta.

Nabatid na si dela Cuesta ay may kasong illegal possession at pagbebenta ng ecstacy. Ang pulis na si Villanueva ang siyang arresting officer nito at tumayong posuer buyer ng madakip ito noong nakalipas na Enero.

Ayon sa mga operatiba ng MMDEG, may nakatakdang pagdinig sa kaso ni dela Cuesta kahapon, Agosto 21 kay QC Regional Trial Court Judge Agustin Dizon, subalit bago ito tinangka ni Lozano na kausapin ang pulis para hindi na madiin ang kanyang kliyente.

Inakala ni Lozano na kakagat si Villanueva sa suhol nitong P15,000 hindi niya akalain na nakahanda na ang mga aaresto sa kanya ng aktong iniaabot na ang suhol niyang pera.

Matapos namang dakpin, iniulat na nagsikip ang dibdib ni Lozano at dinala sa Capitol Medical Center. Siya ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa article 212 ng Revised Penal Code o Corruption of Public Officials sa QC Prosecutor’s Office.

Samantala, itinanggi naman ni Lozano ang akusasyon sa kanya, kasabay nang pagsasabing ang mga pulis mismo ang siyang humihingi ng pera sa kanyang kliyente.(Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)

vuukle comment

ANJO VILLANUEVA

CAMP CRAME

CAPITOL MEDICAL CENTER

CORRUPTION OF PUBLIC OFFICIALS

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT GROUP

EVERLASTING ST. ROXAS DISTRICT

LOZANO

OLIVER LOZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with