^

Metro

Ginagawang gym ng San Beda gumuho: 3 patay, 3 sugatan

-
Tatlong construction worker ang iniulat na nasawi, samantalang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang gumuho ang ‘concrete gutter’ ng ginagawang gymnasium sa loob ng compound ng San Beda College sa Mendiola, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima na natabunan nang buhay ay nakilalang sina Fernando Katigbak, 26; Jimmy Tadena, 37 at Mario Bertera, pawang taga-Sitio Arenda, Barangay Sta., Ana, Taytay, Rizal.

Samantala, ang mga sugatan naman ay nakilalang sina Robert Moron, steelman; Jerry Garcia at Jojo Garcia, 22.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang trahedya dakong alas-4:15 ng madaling araw sa ginagawang court 1 ng nasabing kolehiyo.

Ayon sa isa sa sugatang biktima na si Jojo, kasalukuyan umano silang nagbubuhos ng halong semento gamit ang concrete pump sa may 15 talampakang taas sa dalawang pundasyong pader nang biglang bumigay ang scaffolding nito at biglang gumuho ang semento.

Dahil dito, kasama silang bumagsak ng mga kasamahan sa lupa at tatlo ang minalas na nasawi.

Nabatid na isang Edmund Gadia ang lumilitaw na project engineer ng nasabing construction, habang sina Larry Garcia at Rodelio Reriuta ang supervisor ng Legacy Constructions Corporation na siyang may kontrata sa nasabing sports center.

Napag-alaman din na dalawa umanong kompanya ang humahawak sa nasabing construction na bukod sa Legacy ay ang Fortana Phil. Inc.

Ipinag-utos naman ni Manila Mayor Lito Atienza kay Fire Marshal Pablo Cordeta ang mabilis na pag-iimbestiga sa nasabing insidente at kung sino ang dapat managot sa trahedya.

Kaugnay nito, bigla ding sumugod sa Phil. General Hospital (PGH) si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dinalaw ang isa sa biktima na suwerteng nakaligtas bagamat limang oras na natabunan ng gumuhong bahagi ng ginagawang gym.

Dinalaw ng Pangulo ang sugatang si Jerry Garcia sa X-ray room ng PGH kasabay nang pag-aabot sa ina ng biktima ng halagang P10,000 tulong pinansiyal. (Ulat nina Grace dela cruz at Ely Saludar)

vuukle comment

BARANGAY STA

EDMUND GADIA

ELY SALUDAR

FERNANDO KATIGBAK

FIRE MARSHAL PABLO CORDETA

FORTANA PHIL

GENERAL HOSPITAL

JERRY GARCIA

JIMMY TADENA

JOJO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with