^

Metro

Mag-ina minartilyo, binurdahan pa ng saksak

-
Isang negosyanteng ginang kasama ang walong taong gulang niyang anak na babae ang iniulat na nilooban at saka brutal na pinaslang ng dalawa nilang mga dating trabahador, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Sa sketchy report na tinanggap ni Supt. Ruben Catabona, hepe ng Parañaque City Police ang nasawing mag-ina ay nakilalang sina Marilou Vasquez, 48, at ang anak na si Bea Marie, grade 2 pupil at naninirahan sa 169 Molave Avenue, Molave Park, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod.

Ang mag-ina ay kapwa patay na nang matagpuan matapos na ilang ulit na hatawin ng martilyo sa ulo at pagsasaksakin pa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ang mga suspect naman ay nakilalang sina Michael Andrade, 20, delivery driver ng Area 1, Sitio Libno, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod at agad na nadakip ng mga awtoridad, samantalang ang kasamahan nito na nakilalang si Dominique Lingayo, 19, binata, ay kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Lumabas sa imbestigasyon ni SPO1 Alberto Parena, ng CID Parañaque naganap ang insidente sa pagitan ng alas-11 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw kahapon sa loob ng bahay ng mga biktima.

Mahimbing umano ang pagkatulog ng mag-ina nang puwersahang pasukin sila ng mga suspect na nagwasak sa likurang pintuan malapit sa kusina.

Nagtungo ang dalawang suspect sa master bedroom at niransak ng mga ito ang cabinet. Dahil sa nilikhang ingay nagising ang ginang kaya’t agad itong pinaghahataw ng martilyo sa ulo ng mga suspect at saka pinagsasaksak sa katawan.

Nabatid na dinamay pa ng mga suspect ang 8-anyos na anak ng ginang.

Bago tuluyang tumakas kinulimbat pa ng mga suspect ang mahahalagang gamit at pera ng mag-ina.

Gayunman, sa isinagawang follow-up operation agad na nadakip si Andrade na dito narekober ang P3,300 cash at cellphone ng ginang, habang pinaghahanap naman si Lingayo. Napag-alaman na ang dalawa ay dating trabahador ng ginang.

Binanggit ni Andrade na kaya umano nila nagawa ang ganoon ay dahil sa sobrang pagmamalupit ng ginang sa kanila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERTO PARENA

ANDRADE

BEA MARIE

BRGY

CITY POLICE

DOMINIQUE LINGAYO

LORDETH BONILLA

MARILOU VASQUEZ

MICHAEL ANDRADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with