^

Metro

Dalaga sinaksak ng ka-live-in, kritikal

-
"Imbes na pakinabangan ka ng iba, sasaksakin na lang kita".

Ito ang mga katagang binitiwan ng isang lalaki bago nito ilang ulit na sinaksak ang kanyang live-in partner na ngayon ay nasa malubhang kalagayan dahil lamang sa matinding selos, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Mabilis na tumakas ang suspect na nakilalang si Virgilio Nuestro, 27, isang empleyado at naninirahan sa Twin Pioneer St., Don Carlos ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nasa kritikal na kondisyon sa Pasay City General Hospital ang biktima na nakilalang si Janet Nasesar, 21, na nagtamo ng ilang saksak sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Gilbert Peralta ng Criminal Investigation Division (CID) Pasay City Police dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi ng maganap ang insidente sa bahay ng dalawa. Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspect at biktima dahil na rin sa matinding pagseselos ng lalaki. Dahil dito nagpasya umano ang babae na iwan na lamang si Nuestro na lubha nitong ikinagalit.

Mabilis umanong kumuha ng patalim ang suspect at saka inundayan ng saksak ang ka-live-in sabay sabing " hindi ka pakikinabangan ng iba".

Matapos ang pananaksak ay mabilis na itong tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DON CARLOS

GILBERT PERALTA

JANET NASESAR

LORDETH BONILLA

MABILIS

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

TWIN PIONEER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with