^

Metro

3 holdaper natimbog ng pulis

-
Bumagsak sa kamay ng Quezon City Police ang tatlong holdaper nang maaktuhan ang mga itong itinatakas ang nakulimbat nilang mga bag ng kanilang nabiktima, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang mga naarestong suspect ay kinilalang sina Mark Lopez, 28, tricycle driver; Angel Revalo, 25, vendor at Ian Castro, 18, pawang residente ng Culiat, Quezon City.

Habang kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang kasabwat ng mga suspect na isang GRO na si Aileen Briones, 32.

Base sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang maispatan ng mga awtoridad ang tatlong suspect na tumatakbo daladala ang mga nakulimbat nilang bag sa kanilang mga nabiktima sa may Barangay Central, East Avenue, Quezon City.

Ngunit bago pa man maabutan ng pulisya ang mga suspect ay naipasa na ng mga ito ang pera at mahahalagang kagamitan sa kanilang kasabwat na si Briones na nakatayo sa isang kanto.

Kaya’t nang madakip ang mga ito tanging mga bag na lamang ang nakuha at wala na ang lamang mga pera at mahahalagang gamit.

Nasamsam din sa tatlo ang mga patalim na ginagamit nila sa panunutok sa kanilang mga binibiktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AILEEN BRIONES

ANGEL REVALO

ANGIE

BARANGAY CENTRAL

EAST AVENUE

IAN CASTRO

MARK LOPEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with