Totoy kritikal sa kuryente

Patawirin ngayon ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos itong makuryente habang naglalaro kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Makati Medical Doctor ang biktima na nakilalang si Jonfredereck Mariola, ng 6771 Adalla St., Barangay Guadalupe Viejo ng lungsod na ito.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya naganap ang insidente dakong ala-1:10 ng hapon sa may barangay hall ng Guadalupe Viejo habang ang biktima ay naglalaro sa may tambakan nang bigla na lamang makitang nangingisay.

Nabatid na nakuryente ito sa kapirasong bahagi ng compound na sinasabing grounded.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

Show comments