^

Metro

Barker patay, 1 pa sugatan dahil sa tong collection

-
Nasawi ang isang barker, habang nasa kritikal na kalagayan naman ang kasamahan nito makaraang makipagtalo sa isang driver kaugnay sa pinaiiral na tong collection sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawing biktima na si Dante Cianan, 26, ng Tondo, Maynila, habang nasa kritikal namang kondisyon ang kasamahan nitong si Romeo Manlangit, 38, kapwa barker sa mga jeep na bumibiyaheng Divisoria at Blumentritt.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Reynaldo Panican, 28, ng Sta. Cruz, Maynila na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Nabatid sa ulat ni SPO1 Danny Vidad ng Western Police District (WPD)-Homicide Division na dakong alas-4:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa terminal ng jeep sa panulukan ng Antonio Rivera at C.M. Recto Avenue.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at ng isang driver na nakilalang si Daniel Panican, tiyuhin ng suspect kaugnay ng koleksyon ng tong na hinihingi ng mga biktima sa mga driver sa nabanggit na terminal.

Napag-alaman na tumangging magbigay ng tong si Panican, gayunman ay pilit pa rin itong hinihingan ng mga biktima na ikinagalit ng una hanggang sa magsuntukan ang mga ito.

Nabatid na habang pinagtutulung-tulungan ng mga biktima si Panican ay dumating ang pamangkin nitong suspect na may dalang itak at pinagtataga ang dalawang barker.

Matapos ang ginawang krimen ay mabilis ng tumakas ang suspect dala ang ginamit na itak.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima maging ang driver na si Panican. Nasawi habang ginagamot si Cianan bunga ng tinamong malalalim na sugat sa katawan. (Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

ANTONIO RIVERA

DANIEL PANICAN

DANNY VIDAD

DANTE CIANAN

HOMICIDE DIVISION

MAYNILA

NABATID

PANICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with