^

Metro

Bombay binoga sa harap ng ina, patay

-
Isang 27-anyos na Bombay ang iniulat na nasawi matapos na ratratin ng dalawang hindi nakikilalang salarin sa harap mismo ng kanyang ina, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Sancar Singh, ng 71- D Ponce St. Galas, Quezon City. Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa mukha na tumagos sa kanyang utak na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang isinagawang krimen, mabilis namang nagsitakas ang dalawang suspect.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa may Sitio Mendez, Baesa, Quezon City.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang ina galing sa paniningil sa pautang nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang dalawang suspect.

Walang anu-ano ay agad na niratrat ng mga salarin ang biktima sa kabila nang pagmamakaawa ng ina nito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BAESA

CRUZ

D PONCE ST. GALAS

ISANG

MATAPOS

NAGLALAKAD

QUEZON CITY

SANCAR SINGH

SITIO MENDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with