^

Metro

3 kilong marijuana nasamsam sa pamangkin ng police colonel

-
Nasamsam ng mga awtoridad ang may tatlong kilo ng marijuana kasabay nang pag-aresto sa pamangkin ng isang police colonel at sa driver nito sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Supt. Pedro Ramos, hepe ng Malabon police ang nadakip na suspect na si Ronald Legaspi, 29, alyas Budoy-Olan, ng Tonsuya at sinasabing pamangkin ni Supt. Dante Buenaventura na dating hepe sa nasabing police station. Dinakip din ang driver nito na si Totong Castillo.

Si Legaspi ay kaanib sa sinasabing No. 2 organized drug group ng Malabon police kasama ang mga kapatid nitong sina Ricky at Obet na kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Napag-alaman na dakong alas-8 ng gabi nang arestuhin ang mga suspect habang lulan ng stainless owner-type jeep habang binabagtas ng mga ito ang kahabaan ng Tugatog St., Malabon City.

Ayon kay Ramos, dalawang linggo na umano nilang minamanmanan ang mga ilegal na aktibidades ng mga suspect at nang matiyak nila na may dala itong tatlong kilo ng marijuana ay isinailalim nila ito sa entrapment operation.

Kasalukuyang nakapiit sa Malabon police detention cell ang nadakip na mga suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

DANTE BUENAVENTURA

GEMMA AMARGO

MALABON

MALABON CITY

PEDRO RAMOS

RONALD LEGASPI

SI LEGASPI

TOTONG CASTILLO

TUGATOG ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with