^

Metro

Rape-victim itinapon sa Manila Bay

-
Isang di-kilalang babae ang natagpuang lulutang-lutang sa Manila Bay na pinaniniwalaan ng pulisya na ginahasa muna bago pinatay at itinapon sa nasabing baybayin, kahapon ng umaga sa Roxas Blvd., Manila.

Halos hindi na makilala ang mukha dahil sa naagnas na nang matagpuan ang biktima na tinatayang nasa edad 20 pataas, nakasuot ng puting bikini, itim na bra at puting t-shirt na may larawan ni Mickey Mouse.

Base sa imbestigasyon ni Det. Athos de Quiros ng Western Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng umaga nang mamataan ni Jun Mirandilla, isang mangingisda ang bangkay ng nasabing babae.

Napag-alaman sa pulisya na maaaring isa sa loob ng mga nakahimpil na barko hinalay ang naturang babae bago ito itinapon sa dagat.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ATHOS

ELLEN FERNANDO

ISANG

JUN MIRANDILLA

MANILA BAY

MICKEY MOUSE

NAPAG

QUIROS

ROXAS BLVD

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with