Bangko hinoldap; P.4M natangay

Tumangay ng mahigit sa P400,000 cash ang mga armadong kalalakihang pinaniniwalaang miyembro ng ‘Waray-Waray Ilonggo gang’ sa naganap na dalawang minutong panghoholdap sa BPI Sta. Mesa Branch, kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Manila.

Tatlo sa anim na suspect ang agad na nakilala ng pulisya at ang mga ito ay sina Jaime Gonzales, alyas Jimmy; Vicente Lugnasu, alyas Biboy at Elmer Madrid.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga nang bigla na lamang pumasok ang tatlo sa anim na suspect sa loob ng bangko at sa loob lamang ng halos 2 minuto ay nasamsam ng mga ito ang may P.4 milyong cash at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas kasama pa ang tatlo nilang kasamahan lulan ng isang Toyota Revo na may plakang WHG-895. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments