^

Metro

Anak na may granada sinuplong ama

-
Inaresto ng mga awtoridad ang isang 35 anyos na lalaki dahil sa pagdadala nito ng granada matapos isuplong ng kanyang ama kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek ay nakilalang si Emiliano Caina, negosyante ng Sta. Quiteria ng nasabing lungsod at nakumpiska sa kanya ng mga awtoridad ang isang granada.

Ang pagkaaresto sa suspek dakong alas-6:00 ng hapon ay batay sa pagsusumbong ng ama nitong si Manuel Caina na ito ay may dalang granada at naghahasik ng takot sa kanilang lugar.

Nagresponde agad ang mga awtoridad at huli sa akto ang suspek na hawak nito ang granada.

Sinabi ng pulisya na kaya nagawang isuplong ng matandang Caina ang anak dahil may galit ito dito matapos isuplong din siya noon sa pulisya na siya ay mayroong pa-jueteng. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CAINA

CALOOCAN CITY

EMILIANO CAINA

GEMMA AMARGO

INARESTO

MANUEL CAINA

NAGRESPONDE

QUITERIA

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with