^

Metro

Vendor binurda ng saksak ng barbero

-
Isang vendor ang pinatay sa saksak ng isang barbero matapos umanong hindi magustuhan ng huli ang kulay at hindi kasukat sa kanyang paa ang tsinelas na binili nito sa una kahapon sa Makati City.

Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Melchos Madraso, 30, may asawa, tsinelas vendor, ng #8188 Constancia St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod sanhi ng ilang saksak sa katawan.

Mabilis namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Rodolfo Navarro, 54, barbero, ng #7278 San Mateo St., nabanggit na barangay at nakakulong ngayon sa detention cell sa Makati City police station.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jovenal Barbosa ng Homicide Section, dakong alas-2 ng hapon sa panulukan ng San Mateo at Sacramento Sts., Brgy. Olympia, Makati City nang bumili ng tsinelas si Navarro kay Madraso at ang gusto nitong kulay ay berde. Subalit hindi umano nagustuhan ng suspek ang kulay dahil ang ibinigay sa kanya ng biktima ay kulay pula. Pinalitan na lamang ito ni Madraso, subalit nagalit si Navarro dahil hindi naman sukat sa kanyang paa ang tsinelas hanggang sa nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo at nauwi sa pananaksak sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

CONSTANCIA ST.

HOMICIDE SECTION

JOVENAL BARBOSA

LORDETH BONILLA

MADRASO

MAKATI CITY

MELCHOS MADRASO

NAVARRO

RODOLFO NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with