^

Metro

2 karpintero todas sa kuryente

-
Dalawang karpintero ang nasawi matapos dumikit ang yerong kanilang tinatanggal sa isang kawad ng kuryente noong Biyernes ng umaga sa Vicente Reales, Valenzuela City.

Namatay agad ang biktimang si William Hermigenio, 20, binata, habang namatay kamakalawa sa Fatima Hospital si Elmer Arnuco, 24 dahil sa tindi ng pagkasunog ng katawan.

Naganap ang nasabing insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa Transworld Rubber Corporation na pag-aari umano ng isang Dee Quang Ning, isang Chinese national, habang nagbabaklas ng yero mula sa bubungan nito ang mga biktima.

Dahil sa madalian ang trabaho hindi napansin na nakadikit ang yero sa livewire na kalapit lamang sa poste ng Meralco at agad nangisay ang dalawa.

Napag-alaman din na sinagot nito ang mga gastusin sa burol ng mga biktima ngunit ito’y hindi na naiparating sa mga awtoridad.

Kasalukuyan ay magkatabing nakaburol ang dalawang biktima sa kanilang lugar sa Malabon. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

BIYERNES

DAHIL

DEE QUANG NING

ELMER ARNUCO

FATIMA HOSPITAL

JHAY MEJIAS

TRANSWORLD RUBBER CORPORATION

VALENZUELA CITY

VICENTE REALES

WILLIAM HERMIGENIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with