Hindi pala sila kung ano ang tawag sa kanila
• Ang peanut ay hindi nut, kundi legume.
• Ang coconut ay hindi tunay na nut, kundi drupe o stone fruit.
• Ang pineapple ay hindi isang pine at hindi rin apple, kundi isang tropical fruit.
• Ang jellyfish ay hindi isda, kundi isang marine invertebrate.
• Ang starfish ay hindi isda, kundi echinoderm. (Tinatawag na rin itong sea star.)
• Ang cuttlefish ay hindi isda, kundi mollusk na kapamilya ng pusit at pugita.
• Ang shellfish ay hindi isda, kundi mga crustacean at mollusk.
• Ang mountain chicken ay hindi manok, kundi isang malaking palaka.
• Ang guinea pig ay hindi baboy at hindi rin galing sa Guinea, kundi isang rodent na nagmula sa South America.
• Ang buffalo wing ay walang karne ng buffalo, kundi pakpak ng manok; ipinangalan ito mula sa lugar, ang Buffalo, New York.
• Ang sweetbread ay hindi tinapay, kundi laman-loob ng baka o guya gaya ng thymus o pancreas.
• Ang black box ng eroplano ay hindi kulay itim, kundi matingkad na orange para madaling makita.
• Ang Panama hat ay hindi mula sa Panama, kundi sa Ecuador.
• Ang Chinese checkers ay hindi mula sa China at hindi rin katulad ng checkers; ito ay larong unang sumikat sa Germany.
• Ang Bombay duck ay hindi pato, kundi isang uri ng isda.
• Ang electric eel ay hindi tunay na eel, kundi isang uri ng knifefish.
• Ang sea cucumber ay hindi pipino, kundi isang echinoderm na kamag-anak ng sea star.
• Ang king crab ay hindi tunay na crab, kundi mas closely related sa hermit crab.
• Ang mountain goat ng North America ay hindi tunay na goat, kundi mas closely related sa antelope, gazelles at baka na mula sa Bovidae family.
• Ang killer whale ay hindi whale sa karaniwang kahulugan ng isda, kundi isang dolphin, ang pinakamalaking miyembro ng pamilya ng dolphin.
- Latest




















