^

Police Metro

Photocopy ng dokumento bilang ebidensya tanggap sa korte - SC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Supreme Court na maaaring tangga­pin bilang balidong ebidensya ang isang photocopy ng isang papel na dokumento o electronic form sa mga kasong nasa korte, kung walang kwestyon sa authenticity.

Sa isang desisyon na may petsang Pebrero 3, 2025 at isinulat ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, pinagtibay ng First Division ng SC ang hatol kay Ybo Lastimosa sa kasong murder kay Ildefonso Vega, Jr.

Sa panahon ng paglilitis, nagpatotoo ang mga saksi na binaril ni Lastimosa si Vega sa ulo sa labas ng isang cockpit sa Cebu City at kasabay ng inilatag na photocopy ng death certificate.

Napatunayang nagkasala si Lastimosa ng homicide, batay sa photocopy ng death certificate at mga salaysay ng mga nakasaksi.

Nag-ugat ito sa pagsita ni defense counsel Atty. Carlo Narvasa sa ilang mga inilahad na ebidensya ng prosecutor na si Atty. Amando Ligutan, na pawang photocopy raw, sa naging paglilitis sa ikaapat na article of impeachment ni Vice President Sara Duterte—ang grave threats laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Muling binalikan ng mga netizen ang social media post sa opisyal na Facebook page ng Supreme Court of the Philippines noong Mayo 9, 2025, kung saan, sinasabi ng SC na maaaring tanggapin bilang ebidensya sa korte ang duplicate o photocopy ng isang orihinal na dokumento—maging ito man ay nasa papel o electronic form—basta’t walang tunay na pagdududa sa pagiging tunay ng orihinal o hindi magiging hindi patas ang paggamit ng kopya.

 

 

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with