Nobyembre 12, 2023

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng opinyon o kumento. Huwag gayahin ang iba sa maling gawain para mapanatili mo ang iyong dignidad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Isipin na ano man ang mangyari, mananatiling matatag at hindi basta susuko. Progresibo ang lahat ng nasa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) –  Hindi masama ang magsaya pero huwag kalimutan na may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) –  Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o mismong nasa harapan na. Huwag ng lumayo ng tingin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi tapos ang unang ginagawa. Ihanda ang sarili sa hamon na darating. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 18, 23 at red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Marami ang gustong sumama sa iyo para sila rin ay maging produktibo. Mare-realize mo ang tama sa mali. Lucky numbers at color for the day ang 21, 34, 40, 44 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Mahihirapan kung sasarilihin ang nalalaman. Kung mahihirapan sa pagdedesisyon, humingi ng payo sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 39 at pink.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Napakalayo ng iniisip mo ngayon. Dapat magpokus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi sa kung anu-ano. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) –  Huwag pilitin na magawa ang lahat ng bagay. Ang pag-aaksaya ng panahon ay pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) –   Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod. Disiplina sa sarili ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 43 at neo green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Sa ayaw o gusto kailangan nang magsimu-la ng bagong relationship. Ito ang aakit ng pagbabago sa buhay mo. Lucky number for the day ang 12, 22, 33, 40 at white.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) –  Ang mga social connection ang makakatulong sa suliranin. Nasa tabi lamang ang solusyon kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at jade green.

Show comments