Nobyembre 8, 2023

SCORPIO: (Okt.24-Nob.22) Higit na mabibiyaya ang tumulong kaysa ang tumanggap ng tulong, kaya huwag itong panghinayangan. nasa kapalaran ang umunlad. Simulan ang balak para makita ang resulta. Maglalambing ang isang mahal sa buhay. Happy ka! Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 20 32 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob.23-Dis.21) Hindi dapat gamitin ang lakas sa walang kalaban-laban. Pairalin sa tuwina ang pagi-ging patas. Ingatan an health.  Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 29, 33 at green.

CAPRICORN: (Dis.22-Ene.19) Susubukan ang iyong kakayahan. Huwag susuko dahil magtagum-pay. Huwag lang mandaya, maging patas. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 36, 40 at white.

AQUARIUS: (Ene.20-Peb.18) Sa sariling sikap matatamo ang tagumpay. Kaya huwag iasa sa iba ang paghakbang. Dapat matuto kang manindigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 25, 31 at lilac.

PISCES: (Peb.19-Mar.20) Mag-ingat sa taong pagkakatiwala. May signos na mapagsamantala ang iyong kabutihan.  Lumayo sa taong tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 27, 31 at peach.

ARIES: (Mar.21-Abr.19) Huwag magpabaya sa tungkuling nakaatang. Tandaan na may leon na nakaabang para hilain ka pababa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 27, 38 at red.

TAURUS: (Abr.20-May.20) Gawin ang maggawa. Iwasan na ikumpara ang sarili sa iba. Hindi magiging pantay ang mga daliri sa paa o kamay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 27, 29, 43 at green.

GEMINI: (May.21-Hun.21) Disiplina sa lahat ng bagay ang dapat gawin, kung gusto mong ma-tamo ang mga hina-hangad. Maging wais! Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 40 at violet.

CANCER: (Hun.22-Hul.22) Pagtuunan ng pansin ang higit na mahalagang bagay. Isantabi muna ang makapaghihintay. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 23, 2 at pink.

LEO: (Hul.23-Ago.22) Pag-isipan ng mabuti kung paano mo siya kukumbinsihin. Dahil wala nang second chance ‘pag binasted ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 19, 21, 26 at brown.

VIRGO: (Ago.23-Set.23) Kumunsulta sa taong pinagkakatiwalaa. Huwag basta maniwala sa mga mapalabok na salita ng kausap. Manloloko siya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 30, 40 at blue.

LIBRA: (Set.24-Okt.23) Masasayang ang pinaghirapan kung basta ka na lang maniniwala sa sabi-sabi. Pagbigyan ang hiling ng kaanak. Lucky numbers at color for the day ang  9, 10, 23, 33 at cream white. 

Show comments