^

Kutob

Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa, sinimulan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang sinimulan kahapon ng Department of Education (DepEd) ang Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina City.

Ayon sa DepEd, para sa taon na ito ay maglalaban-laban ang mga delegasyon sa tatlong Larong Pinoy na kinabibilangan ng Kadang-kadang, Patintero, at Tumbang Preso, sa ilalim ng temang “Batang Malakas, Bansang Matatag.”

Nabatid na isinama ang Larong Pinoy o Laro ng Lahi sa multi-sport event sa layuning isulong, pangalagaan, at palaganapin ang mayamang pamana ng kultura at tradisyon ng bansa at matiyak na ang bagong henerasyon ay mararanasan at tumulong na muling buhayin ang mga tradisyonal na larong Pinoy.

Sa kanyang panig, binigyang-diin din ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang kahalagahan ng unity at camaraderie sa pamamagitan ng sports.

Pinangunahan din ng Marikina Science High School Learners ang isang Zumba warm-up para sa mga kalahok.

Kabilang sa mga highlights ng pagsisimula ng Palarong Pambansa sa lungsod ang pagtatanghal ng Exhibition Games ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center kahapon ng umaga.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with