Hunyo 9, 2022

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Laging pag-isipan ang bawat desisyong gagawin para walang pagsisihan sa huli. Huwag magpadalos-dalos, humingi ng payo o suhestiyon sa pinagkakatiwalaan mo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 29, 40 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyo ng isang kaibigan. Babae o lalaki ang sanhi ng pag-aaway ninyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 18, 37 at indigo.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang tunay na kaibigan sa kagipitan nakikilala. Naaayon ang panahon para iwasan ang pekeng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang negosyo. Walang magiging pro-blema sa tahanan. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for ang 5, 13, 22, 26 at lilac.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Masuwerte ang araw na ito. Magsisimula ang pagbabago sa buhay. Makakatanggap ng magandang balita. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 37, 40 at fuchsia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maipapakita ang kakayahan kung nanaisin. Tataglayin ang kahinahunan ng pag-iisip sa gawaing mental o pisikal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 27 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging mahinahon. Mabubuksan ang magandang pagkakataon para sa iyo. Magiging matagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 19, 36 at peach.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Angkop ang pagpapa-yaman ng katalinuhan at karanasan. Ang mga gintong-aral sa buhay ay magagamit ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 16, 17, 35 at beige.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang suliranin. Mapalad sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 25, 17 at magenta.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging balisa ka. Ito ay dahil sa mabigat na problema. May handang tumulong na  kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 35, 44 at red orange.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) May magaganap na pagtatalo sa mga kasamahan o sa kasambahay. Iwasang uminit ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 39, 41 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maipagwawalang bahala ang araw na ito. Sikaping huwag magmalabis sa kapwa. Bigyang halaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 32, 42 at opal.

Show comments