^

Kutob

Hulyo 29, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Mamimili ka ngayon kung  puso o utak ang susundin. Nasa iyo kung saan ka magi-ging masaya. Wala sa pera ang kaligayahan, dahil ang tunay na nakakapagpasaya ay nasa puso. ‘Yan ay kung totoong mahal na mahal mo siya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at navy blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ramdam mo ang kagipitang pinansyal. Makakabuting maghanap ng sideline. Tiyakin lamang na ito ay galing sa malinis na paraan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Huwag padalus-dalos sa desisyon. Pag-isipan nang mabuti ang bawat hakbang lalo na kung tungkol sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 23, 32 at neon green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kumunsulta sa isang feng shui master bago magpatayo ng bahay, maglipat ng bahay, opisina o magbukas ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Love is lovelier the se-cond time around. Ito ay darating sa iyong buhay nang hindi maiiwasan. Kilalanin siyang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Tandaan ang ikapitong utos, huwag makiapid. Bumangon sa iyong kinadapaan. Matutong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Dahil may lahi kayong pikutin, mag-ingat sa tukso lalo na sa taong lapit nang lapit at nagpapahiwatig ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at dirty white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-impok habang ma-lakas ang kita. Maging maagap at masinop. Iwasan ang pagiging bulagsak sa pera. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kalimitan nagiging lason sa pagsasama ang labis na pride. Ngayon ang pagkakataon na dapat kausapin ang partner. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Gumising ka nang may sigla. Umusal muna ng taimtim na dasal ng pasasalamat para mapuspos ng biyaya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at beige.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Muling makakalimot sa binitawang pangako. Suriing mabuti ang damdamin para sa natitipuhan para ‘di magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kailangan tanggapin ang katotohanan, tapos na ang sisihan. Simulan ang pagbabago sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream white.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with