^

Kutob

Pebrero 7, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging masigla dahil sa pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa iyong mahal. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at pakiramdam. Sa negosyo, magiging matumal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 40, 42 at red rose.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang lumagda sa ano mang mahalagang papeles o kontrata na hindi nauunawaan ng mabuti. Huwag pilitin ang sarili kung may dudang papasok sa isipan at tiyak kapahamakan ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 31, 41 at emerald green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang gawain ay may bungang pipitasin. Malakas ang angking ESP kaya ano man ang kutob ay dapat isagawa. Huwag basta magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong tiwala, hindi ka mababayaran. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 37, 40 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Iwasan na mag-init ang ulo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o ang basag-ulo. Ang bawat taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag, kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 21, 29, 33 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung itutuloy ang paglalakbay, may malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan ngayon. Iwasan ang pamamasyal. Iwasan ang makipag-date at tiyak magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 27, 38 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung magmumukmok, mag-isip dahil kung hindi kikilos ay walang mapapala. Ang maghangad ng kaunlaran, kailangan lakipan ng sipag, tiyaga at pagkilos. Tiyakin na sa malinis na paraan nanggaga-ling ang araw-araw na kinakain. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 35, 41 at indigo.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Habang may buhay, may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makakamit ang minimithi. Ang aanihin ng katamaran ay kahirapan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 28, 33 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon sa sosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala na maaaring magkaroon ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 31, 34, 36 at shocking pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang makukulit at mapagbirong mga tao dahil iiral ang masamang ugali, na handang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng katamlayan. Iwasan ang mangako at tiyak walang katuparan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 25, 33 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kabutihang magagawa ngayon ay may kalakip na gantimpala. Magiging pa-ngunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Magiging magaan ang tulong kung buong-puso na ipagkakaloob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 37, 42 at sun yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang sino mang magbenta o manghingi ng tulong ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at madaling malapitan ng kahit sino, ngunit ingat at baka maloko. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 21, 32 at forest green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangailangan ng maiwasan ang malinlang. Kasiglahan ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis matapos ang nasimulang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 33, 40 at aqua blue.

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with