^

Kutob

Hunyo 23, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Walang dahilan para magkunwaring masaya kung taliwas naman ito sa tunay na nararamdaman. Umaktong natural, pinakamahirap sa lahat ang niloloko mismo ang sarili. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 31, 42 at beige.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Hindi maiiwasan ang kompetensiya sa kahit anong larangan pero huwag itong bigyan ng sobrang pansin. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagmagalingan sa iba. Sariling sikap ang dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 35, 44 at lavender.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa sa mahusay mong magagawa para nakaatang na responsibilidad. Huwag matakot mabigo dahil ito ang daan sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 32, 42 at sky blue. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Magpalamig muna ng init ng ulo bago humarap sa ibang tao. Tiyakin na ang ikinagagalit ay hindi madadala saan pa man at hindi makapandadamay ng taong wala namang kinalaman. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 26, 30 at lilac.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Piliing mabuti ang mga sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. Magandang pagkakataon ito para makakilala ng isang taong makakatulong sa iyong pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 31, 43 at silver.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Anuman ang desisyon na gagawin, ituloy basta nakakatiyak na hindi makakasagasa ng ibang tao. Ikaw ang higit na nakakaalam ng nais kaya huwag asahang may magdedesisyon para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 43 at golden brown. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Labis na ang pangungulila sa kasintahan pero walang magagawa sa ngayon kundi ang magtiis. Isipin lamang na pagsubok ito sa relasyon na kahit magkalayo ay patuloy namang tumitibay ang samahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 25, 30 at mint green. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Gumawa ng paraan para maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi makakabuti kung palaging negatibo ang nasa isip at walang basehan ang mga ito, dahil tiyak na wala itong magandang idudulot sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 31, 40 at yellow.   

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may pinaplanong gawin, isipin muna nang mabuti kung ano ang mga hakbang para rito, saka ito ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod nang hindi malito. Tiyakin na magiging orga-nisado ang bawat kilos. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at white. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ang ilang pagbabago, kahit para sa mabuti ay sadyang mahirap gawin. Pero hindi dapat sumuko kung para sa ikabubuti ng sarili at kapwa ang ginagawa. Walang mahirap sa taong nagtitiyaga. Pairalin ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 26, 35 at strawberry red. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Asahang maraming trabaho ang gagawin ngayon araw. Matatapos ito kung iiwasan ang makipagkwentuhan at magpopokus lamang sa ginagawa. Tiyak na mahahapo at mapapagod sa buong maghapon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 34, 41 at blue gray.  

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Hindi inaasahan ang pagkikita na posibleng mangyari sa pagitan ninyo ng mga dating kaibigan. Tiyak na maraming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng mapagkukwentuhan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 37, 45 at fuchsia.

vuukle comment

KUTOB HUNYO 23 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with