^

Kutob

Pebrero 18, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kailangan ang mamili at magpasya kung sino nga ba ang gusto. Maaaring ang dalawang interesado ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. Maaaring ang kasintahan ay yayain ka nang magpakasal. Tiyakin na ang pagpasiyang gagawin ay mula sa puso at matinong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at almond yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging padalus-dalos ka ngayon. Huwag kaagad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang gusto. Kung may pag-aalinlangan, makakabuting kumunsulta sa higit na nakakaalam. Malaking tulong ang payo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Madarama ngayon ang tamis ng tagumpay. Unti-unting makikilala ka ng mga sosyal na tao. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Magiging malambing at maalalahanin ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mapapasukan na mahalagang kasunduan. Magaganyak kang makipagsapalaran, subalit lubos na pag-iingat ay kailangan. Mahina ang iyong ESP ngayon, kaya huwag asahan ang kutob sa pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 42 at sky blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasan ang pagyayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Mataas ang iyong imahinasyon, sukdulan na mara-ming masasabi at lalabas ang kayabangan. Kung may naisip, gawin at kumilos ng tahimik at may makikitang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 42 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung gustong makausap ang taong nahihiyang lumapit, dapat unahan ng pagbati. Ang maging mapagbigay at maunawain ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Iwasan ang ma-ging masungit dahil lalayo ang grasya at mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Upang makasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hindi maganda ang balitang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili at malalampasan din ng matiwasay ang gusot. Nasa tabi lamang ang solusyon ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung nagseselos, insecure ka lang. Ang mabisang gawin ay ipakita ang taos pusong pagmamahal sa gawa at hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kakaibang nararamdaman sa katawan ay dahil sa pagbabago ng panahon at ipinapayong bigyang pansin ang kalusugan para hindi lumala at tuluyang magkasakit. Kung maliksi ang pakiramdam, ang paglalakbay ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iiral ang pagkamayabang na dapat iwasan dahil kaiinisan ka nang nakikinig. Ang pagpapakumbaba at pagiging maginoo ay hahatak ng respeto sa pagkatao. Ang kayabangan ay aani ng pagkutya ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magbibigay ka ng sakit ng ulo sa kapwa, na dapat iwasan. Kung walang self control, may mga taong maiinis o magagalit sa’yo. Ang dapat gawin ay huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita at sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

vuukle comment

PEBRERO 18

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with