^

Kutob

Setyembre 23, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mapapansin mo ang unti-unting panlalamig ng kaibigan o minamahal. Kung hindi mo alam ang dahilan, walang masama kung magtatanong  upang magkaliwanagan. Daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 21, 34, 42 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Malaki ang iyong pagkukulang sa pamilya o minamahal, kaya siguro panahon na para makabawi. Kung may iuuwi kang pasalubong sa pamilya o minamahal, lalong mapagtitibay ang pagmamahalan at tiwala sa isa’t isa. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 40 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Mali ang landas na iyong tinatahak. Pag-isipan nang mabuti ang ginagawa para hindi tuluyang magkamali. Kung ano ang masakit sa iyo ay masakit rin sa iba, kaya mag-ingat sa pagsasalita o sa pagkilos. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 39 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masakit man, huwag balewalain ang pangaral sa iyo. Ang mungkahi o suhestiyon ay dapat isaalang-alang dahil may katuwiran sila at mali ka. Kung susundin mo ang sinabi sa iyo, may maganda kang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 17, 34, 40 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nang dahil mayroon ka ngayon, huwag magtaka kung ikaw ay lalapitan at hingian ng tulong. Mas mainam ang magbigay kaysa humingi at mas maganda ang magpautang kaysa umutang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 37, 42 at emerald green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung paiiralin mo ang iyong pagkamahiyain, talo ka. Dahil hindi mo masabi ang gusto mong sabihin. Walang masama kung ihayayag ang nilalaman ng kalooban. Kung hiya ang mamamayani, hindi mo makuha ang iyong pakay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 36, 39 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung daragdagan mo pa ang pagtitiyaga at pagsisikap, makakamit mo ang iyong minimithi. Abot-kamay na lamang ang tagumpay, dahil nasa tamang landas ka. Kaya huwag kang umurong, huwag maging duwag sa iyong ikatatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 22, 37 at maroon.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kung may lalakarin, gawin pagkalipas ng tanghalian para hindi masiphayo. May kalituhan ka sa iyong Gawain, ngunit kung hihimay-himayin at pag-iisipan nang mabuti, may magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 17, 28, 32, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Madadamay ka sa mga tao na negatibo ang enerhiya, kung hindi magpapakatatag sa iyong prinsipyo at patakaran sa buhay. Huwag paunlakan ang udyok ng kasamahan dahil masisira ka at magsisi. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 34 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang kalalabasan. Huwag pansinin kahit sino ang sasalanta sa iyong mga plano. Nasa tamang landas ang iyong tagumpay, kaya huwag aksayahin ang panahon. Kilos agad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 28, 44 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi maganda ang araw para sa iyo. Ngunit kung magiging mahinahon, magpasensya at maging maunawain, makakaraos ng matiwasay ang iyong araw. Iwasan ang magalit at ang padalus-dalos ng pasya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 35, 37 at light green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Huwag hayaan kung may problema na hindi maresulb, dahil lalong lalaki kung mapababayaan. Ang munting sindi ng apoy, kung hindi aagapan ang pagsalanta ay lilikha ng malaking sunog. Kung tututukan ang solusyon sa problema, tiyak may mahahagilap na magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 19, 26, 36, 41 at mint green.

vuukle comment

KUTOB SETYEMBRE 23 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with