^

Kutob

Setyembre 20, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang masasagap. Maganda ang takbo nang pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Dagdagan ang tiyaga at panalangin para makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon at dahan-dahan ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba, dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19)  Ang tunay na kaibigan, sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang love life. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-isip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas nang kasaganahan ang tinatahak ng kabuhayan at buhay pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak, subalit dapat tanggihan dahil tiyak hindi mababayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan muna ng mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito para manumbalik ang enerhiya ng sigla. Magiging makitid ang isip, kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Anumang paanyaya dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan nang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) May mag-alok na trabaho, subalit mas magandang pag-aralan muna nang mabuti at timbangin ang kabutihang maibibigay kaysa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawain na pagbabago, ngunit mahihirapang magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at light green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Nasa kondisyon at kasiglahan ka, at handa harapin ang anuman. Maging masayahin na halos lahat nang kakilala ay magugulat sa asal na makikita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtraydor o magtaksil. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

vuukle comment

HOROSCOPE SETYEMBRE 20

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with