^

Kutob

Setyembre 12, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan. Dahil magsasayang lamang ng pagod o oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positbong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Bigyan pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong para sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magtiwala sa anumnag mangyayari dahil maka-karating ka rin sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay, subalit ang nag-iisang landas na sadyang nakalaan sa’yo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.  

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag labis na magpokus sa isang bagay, mabalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala ng tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.   

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakayanan, daig pa ng malaking sunog na magliliyab. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at positibo ang pananaw dahil magugulat ka na lamang kung paano ito nakakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 12, 30, 37 at red.  

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Tiyakin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat para maisaayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol sa mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue.   

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutuna ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for rthe day 7, 19, 27, 32 at violet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sa halip na maghanap ng ibang bagay na wala, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa sa iyo, hanapan ng paraan upang makamit ang gusto sa magandang hakbang. Huwag manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka roon ng walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung may hindi maintindihan, pag-aralan nang matotohan. Hindi man lubusan na maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman ka. Kung gutsong magtagumpay. Matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.      

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtataguympay. Malamang may manghihingi ng payo tungkol sa pag-ibig o personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

LEo: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag sumuko kaagad. Magtiyaga sa pagharap ng pag-subok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon  sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan mahihirapan ka muna bago makamit ang gusto. Sa pagsisikap, tagumpay tagumpay ang naka-abang. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

vuukle comment

SETYEMBRE 12 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with