^

Kutob

Agosto 08, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung aabot sa sukdulan ang pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay nang walang kaaway. Madali kang mapikon at mag-init ang ulo. Mahigpit na disiplina sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Maaaring makasagupa ka ng mga pagtutol sa mga binabalak. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti sundin, kung masama iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung inaakalang tama ka sa gagawin, ituloy dahil malakas ang iyong ESP ngayon. Maliban lang kung labag sa batas ng Diyos at tao ang nasa isip. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak matatalo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa utak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan, dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at pagpapasensiya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap sa kaunlaran ng buhay. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maganda ang hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon at kilos. Kung sisimulang gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa. Ngunit kung buo ang loob na ito ay harapin magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maaasahan na malaking pakinabang ang ibubunga nang ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung mag-aaplay ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19)  Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon, pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba, dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy, kaya kung may sikreto o itinatago malamang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magiging mainitin ang iyong ulo, dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisisihan sa huli. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagumpay. At kung ito ay palaging taglay, walang dahilan para maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang sitwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22)  Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, tatahakin mo ang landas ng kapahamakan. Sa lahat ng bagay taglayin ang magdalawang-isip kung ano ang mabuti at masamang idudulot nang gagawin bago kumilos. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

vuukle comment

2018

KUTOB AGOSTO 08

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with