^

Kutob

Agosto 01, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Kung may napupusuan mabuting alamin muna ang mga bagay tungkol sa kanya bago magpahayag ng tunay na damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad nang labis na hindi makakaya. Ang matagal nang gustong malaman ay malalaman ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 29, 35 at citrine yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Lahat ng bagay na sinimulan ay siguradong tatakbo nang maginhawa dahil sa kasiglahang taglay. May kasamahang naghahangad sa iyong puwesto o katungkula, kaya dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap sa katungkulan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 23, 36 at sky blue.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Huwag magmadali sa hinahangad ngunit kung may magandang pagkakataon, kumilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipang mabuti ang mga payo bago gumawa ng desisyon. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas para hindi maligaw.  Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 36 atmagenta.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Magandang panahon para makipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari at magiging kakampi mo ang panahon. May konting suliraning lilitaw ngunit huwag lamang maging emosyonal dahil  ito’y dadaan lamang na parang hangin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 25, 30 at mint green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Huwag basta magtiwala at ipagkaloob ang sariling tungkulin at responsibilidad sa ibang tao. Dahil magiging daan ito laban sa iyo. Magiging batayan sa ikakaligaya ng minamahal ang iyong pangako, kaya huwag mangako kung ito ay hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 34, 45 at violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Makakatulong nang malaki ang payo ng mga matatanda upang maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasan ang mapikon o magalit sa mga biro at kantiyaw, dahil sisirain ang iyong mood sa buong araw. Ang isang hindi inaasahang pangyayari ang magbibigay sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 21, 37, 43 at white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging malakas ang iyong ESP na magagamit sa paglutas ng iyong problema. Magiging pabor ang mga gawaing mental kaysa pisikal at walang magiging sagabal sa mga gawain. Inaayunan ng panahon ang pagsisimula ng magandang  kinakaharap. Lucky numbers at color for the day ay  6, 13, 28, 31 atcannary yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magandang balita ang matatanggap sa telepono o sulat mula sa malayong lugar, na siyang magbibigay kasiglahan. May kasiyahan kang maibibigay sa mga magulang, kaibigan o kaanak na matagal na nilang hinihintay mula sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 18, 24 at navy blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May sasalungat sa iyong binabalak, subalit ang galing mo pa rin ang mangingibabaw. Magiging maganda ang takbo sa pananalapi o negosyo, subalit huwag magpabaya at dapat suriin ang mga detalye ng transaksyon bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 21, 39 atlavender.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung ano man ang iyong suliranin, tiyak na madali itong malulutas kahit gaano kaabala sa mga gawain. Ang pagbabakasakali ay dapat iwasan, dahil tiyak negatibo ang magiging resulta. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay  8, 13, 26, 39 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Marami kang dapat gawin subalit ang pagkalito ng iyong isipan ay magiging dahilan nang kaabalahan. Lalong mabilis na makakamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal. Isang  kamag-anak ang maghahatid ng balita na maaaring ikalungkot o ikaligaya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 atantique gold.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sa pagpapahayag ng damdamin, dapat maging maingat sapagkat maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan at maging sanhi ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos at pag-isipan nang mabuti ang bawat hakbang bago magdesisyon sa gagawin. Tandaan na ang pagsisisi ay darating after the damage is done. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 30 at fuschia.

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 01 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with